Alden ayaw tantanan ng panlalait ng mga KathNiel fan

Finally ay natuloy na ang collaboration nina Alden Richards at Avel Bacudio para maglabas ng bagong disenyo ng mga damit na ang kikitain ay ido-donate sa pagpapagamot ng mga batang bulag. Si Avel ay galing din sa sakit, kaya gusto niyang tumulong sa mga batang nangangailangan.

alden ayaw tantanan ng panlalait ng mga kathniel fan - Alden ayaw tantanan ng panlalait ng mga KathNiel fan
alden 9 - Alden ayaw tantanan ng panlalait ng mga KathNiel fan

abante talbog joe barrameda 1 1 1 336x224 - Alden ayaw tantanan ng panlalait ng mga KathNiel fanFinally ay natuloy na ang collaboration nina Alden Richards at Avel Bacudio para maglabas ng bagong disenyo ng mga damit na ang kikitain ay ido-donate sa pagpapagamot ng mga batang bulag. Si Avel ay galing din sa sakit, kaya gusto niyang tumulong sa mga batang nangangailangan.

Hindi akalain ni Alden na matutupad ang isa pa niyang pangarap na collaboration with Avel. Inabot daw ito ng isa’t kalahating taon na preparation bago nangyari at maisakatuparan ang proyektong ito.

Umaapaw sa galak si Alden na nangyayari sa kanya ngayon. Eh sa bago niyang teleserye na “The Gift” ay gagam-panan niya ang isang bulag, kaya malaking tulong ang proyekto nila ni Avel.

Sa Lunes nga pala ay bibiyahe sa Seoul, South Korea si Alden para dumalo sa awards night ng Asian Drama Star. Ilang araw rin siyang mananatili roon.

Sobra nga pala ang pasasalamat ni Alden sa tuloy-tuloy na suporta ng mga tao sa pagtangkilik sa movie nila ni Kathryn Bernardo na hanggang ngayon ay pinipi- lahan pa rin, at malamang umabot na ito o malagpasan ang one billion mark na ikaloloka ng mga KathNiel fan na walang humpay sa kaba-bash kay Alden. Hindi nila iniisip na pati ang idolo nilang si Kathryn ay nadadamay.

Anong magagawa ninyo kung may chemistry ang dalawa? Nagustuhan ng mga manonood ang story.

Kaya sobra rin ang pasasalamat ni Alden kay Direk Cathy Garcia-Molina.

Martin sawa na sa bading isyu

Tinatawanan lang ni Martin del Rosario ang walang humpay na akusasyon na bading siya. Bakit nga naman niya papatulan ‘yon eh hindi nga naman totoo?

Siya nga naman ang may katawan at alam niya ang k­asarian niya. Hindi nga nahihiyang umarteng bading si Martin. Kasi kung bading yan tatanggihan niya ang mga role na ganyan. Eh kampante siya kung ano siya.

Kasama rin si Martin sa “The Gift” na pinagbibidahan ni Alden. Kontrabida siya kay Alden. Malamang astig ang role niya dito. Maiiba naman ang role niya dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *