Albee Benitez bigay todo: Piolo, Catriona, Maja, Jake puspusan na ang paghahanda sa TV5 show

Puspusan na nga ang ‘meeting’ para sa Sunday show na ipoprodyus ni former Congressman Albee Benitez sa TV5. Ang bongga nga na super star studded talaga ito, at mukhang malakas ang laban kumpara sa mga show tuwing Linggo ng GMA 7 at ABS-CBN 2, ha!

The post Albee Benitez bigay todo: Piolo, Catriona, Maja, Jake puspusan na ang paghahanda sa TV5 show first appeared on Abante.

albee benitez bigay todo piolo catriona maja jake puspusan na ang paghahanda sa tv5 show - Albee Benitez bigay todo: Piolo, Catriona, Maja, Jake puspusan na ang paghahanda sa TV5 show
Albee - Albee Benitez bigay todo: Piolo, Catriona, Maja, Jake puspusan na ang paghahanda sa TV5 show

dondon sermino 9 - Albee Benitez bigay todo: Piolo, Catriona, Maja, Jake puspusan na ang paghahanda sa TV5 showPuspusan na nga ang ‘meeting’ para sa Sunday show na ipoprodyus ni former Congressman Albee Benitez sa TV5. Ang bongga nga na super star studded talaga ito, at mukhang malakas ang laban kumpara sa mga show tuwing Linggo ng GMA 7 at ABS-CBN 2, ha!

Well, sa latest photo na pinost ni Mr. Benitez sa Instagram, makikita nga na kasama na niya sa ‘meeting’ o baka brainstorming na, sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray, Donny Pangilinan, Jake Ejercito, at pati na si Pat. P Daza (na may show sa Teleradyo ng Channel 2).

“My new colleagues…” simpleng caption lang ni Mr. Benitez sa naturang photo, na ramdam mong bigay todo talaga siya sa suporta sa mga artista na kinuha niya para bigyan ng show sa TV5.

Ramdam mo nga na si Mr. Benitez mismo ang nakikipag-usap, inilalapit ang sarili niya, para sa mga artistang makakatrabaho niya. Na hindi lang basta-basta prodyuser, talent ang relasyon na gusto niyang iparamdam sa kanila, kundi kaibigan na rin.

Anyway, biru-biruan nga, pangmalakasan, pangdiinan, pasabog ang hatid ni Cong. Benitez sa show business. Na kailangan naman talaga sa panahon ngayon, na maraming artista ang walang trabaho.

‘Si Cong. lang malakas,” sabi pa nila, na madalas gamiting linya ng mga millennial.

Well, good luck sa mga bagong show ng TV5, at sana nga ay mabuhay na nang husto ang interes nga mga Pinoy na tumutok din sa Singko.

***

Cast ng Prima Donnas nag-iwasan sa taping

Nagsimula na ang lock-in taping ng ‘Prima Donnas’. Makikita sa mga photo na ibinahagi ni Chanda Romero, na gumaganap bilang si Lady Prima Claveria, ang masayang reunion ng cast sa kanilang unang araw ng lock-in taping.

Mapapansin din na maingat na sinusunod ng cast ang social distancing at pagsusuot ng face mask at face shield bilang proteksyon.

Sa video rin na ipinost ng isa sa mga Donnas na si Althea Ablan ay makikitang layu-layo ang cast habang wala pang kinukunan na eksena. Maging ang direktor ng teleserye na si Gina Alajar ay nakasuot din ng tamang protective gear. Bago bumalik ng taping ay sumailalim din sa swab testing ang lahat ng bumubuo sa serye.

Habang kasalukuyang abala ang cast sa pagte-taping para sa fresh episodes ng Prima Donnas, mapapanood ang catch-up episodes nito sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.

The post Albee Benitez bigay todo: Piolo, Catriona, Maja, Jake puspusan na ang paghahanda sa TV5 show first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *