Albee Benitez bagong showbiz mogul

Matagal nang matunog ang pangalan ni former Congressman Albee Benitez sa showbiz. Dahil bukod sa bestfriend siya ni Gabby Concepcion, malapit din siya sa mga movie press, dahil madalas nga siyang ipa-interview ni Tita Lolit Solis sa mga manunulat, lalo na sa mga editor ng entertainment pages.

The post Albee Benitez bagong showbiz mogul first appeared on Abante.

albee benitez bagong showbiz mogul - Albee Benitez bagong showbiz mogul
abante albee - Albee Benitez bagong showbiz mogul

Matagal nang matunog ang pangalan ni former Congressman Albee Benitez sa showbiz. Dahil bukod sa bestfriend siya ni Gabby Concepcion, malapit din siya sa mga movie press, dahil madalas nga siyang ipa-interview ni Tita Lolit Solis sa mga manunulat, lalo na sa mga editor ng entertainment pages.

Sayang nga lang at hindi nag-materialize ang isa sa mga pinakamalaking proyekto sana niya sa mundo ng pelikula, ang iprodyus ang mala-Ocean’s 11 na pelikula, na pagbibidahan sana nina Gabby at Sharon Cuneta, pati na nina Richard Gomez, Albert Martinez, at Aga Muhlach, at marami pang iba. Pero, noong huling makausap naming si Mr. Benitez sa presscon ng anak niyang si Javi Benitez, sinabi niya na bukas pa rin ang isip niya na ituloy ang project na `yon. Pero, `yon ay noong panahong wala pang coronavirus.

Anyway, itinuturing na showbiz mogul si Mr. Benitez ngayon dahil sa laki ng mga hakbang, investment na gagawin niya. Sabi-sabi na siya ang magpupuno ng halos lahat ng timeslot ng TV5 ngayon, base sa rami na rin ng mga TV shows na gagawin niya.

Sabi-sabi rin na si Mr. Benitez ang magiging tulay para mapanood sa TV5 ang mga sikat na artista ng ABS-CBN, tulad nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Toni Gonzaga, at marami pang iba.

Nakakatuwang malaman, na habang tahimik ang ibang mga prodyuser sa paggawa ng pelikula, at habang sarado ang Dos, heto nga at gumagawa ng paraan si Mr. Benitez na mabuhay muli ang mundo ng showbiz, at mabigyan ng trabaho ang maraming artista. (Dondon Sermino)

The post Albee Benitez bagong showbiz mogul first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *