Aktres todo huthot sa mayamang tibo

Malinaw ang kuwento sa amin. Malinaw dahil pwedeng sabihing witness din ang nagkuwento.

The post Aktres todo huthot sa mayamang tibo first appeared on Abante.

aktres todo huthot sa mayamang tibo - Aktres todo huthot sa mayamang tibo
Aktress - Aktres todo huthot sa mayamang tibo

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Aktres todo huthot sa mayamang tiboMalinaw ang kuwento sa amin. Malinaw dahil pwedeng sabihing witness din ang nagkuwento.

Kaya naman pala sunod pa rin ang luho ng aktres na ito, kahit ilang taon nang walang acting job– at mas lalo rin naman na walang endorsements dahil considering all her controversies, malabong gugustuhin siya ng advertising para mag-endorse ng brand.

So ‘yun na nga, kaya naman pala sunod pa rin ang luho ng aktres at mga anak, hindi lang pala sa mayamang negosyante na nali-link dito ang “source” niya, maging sa isang napakayamang lesbian din.

Ang siste, hindi pa rin kumukupas ang karisma ni aktres. Ilang lalaki nga ba in the past ang halos “nabaliw” sa kanya. Ngayon, maging tomboy na rin. At ang tomboy na ito, may karelasyon for 20 years! Take note, dalawang dekada ang relasyon niya sa girlfriend na nasira dahil kay aktres.

Nahumaling at nabaliw raw ang mayamang tomboy kay aktres. Ang karelasyon na nito ang lumayo at hindi ma-take ang nakikitang “pagka-tanga” ng jowa niya sa aktres. Na umpisa pa lang, halata na raw kung ano lang ang motibo talaga.

Mayaman at kilala talaga ang tomboy sa kanilang probinsiya. Ilang beses na raw nagpabalik-balik si aktres sa probinsiya ng tomboy. Ikalawang beses, bitbit na ni aktres ang buong pamilya at mga yaya ng anak. All expenses paid siyempre ng tomboy.

Hindi pa yun, sa layo ng probinsiya ng tomboy, do’n pa raw nag-grocery ng todo si aktres para iuwi sa bahay nito sa Manila. Siyempre, lahat charge sa tomboy.

Hanggang ngayon ay pinaniniwalaan na nahuhuthutan… este, constant pa rin sa buhay ni aktres ang tomboy. Hindi nga lang malinaw sa source namin kung tulad ni tomboy, “romantic relationship” din ang tingin ni aktres sa kanilang dalawa.

***

Pamilya ni Lian sa Marikina ligtas na

Nag-panic ang dating EB Babes at aktres na si Lian Paz dahil sa pamilya niya na nakatira sa Vermont, Marikina. Matagal nang sa Cebu naka-base si Lian kasama ang dalawang anak nila ng dating Mister na si Paolo Contis at magkakasama nga sila ng Cebu-based partner niya na si John Cabahug at anak nila at anak ni John.

Noong una ay nakakausap pa niya ang pamilya niya sa kasagsagan ng bagyong Ulysses. Pero habang papalapit ang gabi, sa kabila ng panawagan niyang ma-rescue ang kanyang pamilya, nawalan na siya ng contact sa mga ito.

Sa sobrang daming kailangang ma-rescue, isa ang pamilya ni Lian na hindi na inabot ng mga rescuer. Kinaumagahan na lang din niya nakontak ang mga ito, nang kusa na rin nag-subside ang baha sa kanila.

Na-relieved naman ito nang mag-post kinabukasan na, “Praise GOD!!! Thank you Lord for hearing my prayer!!! Thank You Lord for protecting and taking care of my family. No rescuers came but you stopped the rain and the water went down already. They are safe now.”

The post Aktres todo huthot sa mayamang tibo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *