Aktres niregaluhan ng luxury car ni aktor?

Hindi talaga matigil ang intriga sa aktor at sa kanyang leading lady.

The post Aktres niregaluhan ng luxury car ni aktor? appeared first on Abante News Online.

aktres niregaluhan ng luxury car ni aktor - Aktres niregaluhan ng luxury car ni aktor?
couple 2 - Aktres niregaluhan ng luxury car ni aktor?

ANYTHING GOES
Jun Lalin

abante anything goes jun lalin 336x224 - Aktres niregaluhan ng luxury car ni aktor?Hindi talaga matigil ang intriga sa aktor at sa kanyang leading lady.

Hindi nga sila tinitigilan ng mga makakating dila, Dondon.

Aba, lately nga, pilit na pinalalabas na niregaluhan ni aktor ang leading lady niya ng mamahaling sasakyan.

Tinanong ko naman ang isang malapit kay leading lady kung may nakikita ba itong bagong mamahaling sasakyan na gamit-gamit ng kanyang kaibigan, pero ang sagot lang nito ay, “Meron ba? May iniregalo ba talaga?”

Mukhang walang nakikitang bagong mamahaling sasakyan kay leading lady ang taong ‘yon na malapit dito, kaya na-surprise rin ito nang usisahin ko.
Well…

Ariella laging absent sa ‘UKG’ dahil sa ‘kasal’

Na-sweet-an ako kay Ariella Arida.

Dahil hindi siya nakarating sa meet-the-press ng BARGN big bosses na sina Niño Bautista at Red Gatus last Wednesday para sa launch ng kanyang CosmoSkin GSE DarkSpots Corrector product, super effort siya para hindi magtampo ang dalawa.

Pati ako na nag-imbita para sa event na ‘yon ay nilalambing ni Ariella.

Sabi ko, huwag siyang mag-worry dahil never akong maga-galit sa kanya dahil mabait naman siya at inintindi rin naman nina Niño at Red na naipit nga siya sa taping ng “Killer Bride” sa Taal, Batangas, kaya imposible talaga siyang makarating.

Text pa ng Miss Universe 2013 third runner-up, sana raw ay makabawi siya sa susunod.

Nilambing pa niya ako at tinatanong kung mahilig daw ba ako sa avocado at padadalhan niya ako sa bahay ko.

Ang sarap lang na malaman na kapag nagkulang si Ariella ay nag-e-effort talaga siya para huwag kang magalit sa kanya, huh!

Anyway, dahil nga pala sa taping ng “Killer Bride” ay madalas mag-absent ngayon si Ariella sa “Umagang KayGanda.”

Mabuti na lang at parehong sa ABS-CBN ang two shows niya, kaya hindi siya dapat kabahan na “masabon” siya sa madalas niyang pag-absent sa kanyang hosting stint sa morning show ng Kapamilya network, huh!

K Brosas suportado ni pokwang

Sa Saturday ay siguradong manonood si Pokwang ng “Angeline K ‘To (Concert Namin ‘To)” sa Araneta Coliseum ng kumare’t BFF niyang si K Brosas.

Super love ng magkaibigan ang isa’t isa, kaya naman nagsusuportahan sila sa lahat ng bagay.

Kamakailan nga ay magkasama silang nag-bonding sa The Farm sa San Benito, Batangas.

Nag-enjoy sila sa lugar na ‘yon kasama ang kanilang mga anak.

Alam kasi ni Pokwang na magiging busy na si K sa rehearsals this week with Angeline, kaya sinamantala na niya na makasama ang kaibigan nitong weekend.
Balita nga pala na malakas ang benta ng tic-kets sa nasabing concert.

Speaking of Angeline and K’s concert, special guest nila si Ogie Alcasid na ang katapat ay concert ni Ian Veneracion sa Music Museum, na isa siya sa producers.

“Hindi bale, sa first night on July 11 naman ng ‘Ian: In Color’, ako naman ‘yung guest at sa second night on July 12, si Wifey (Regine Velasquez-Alcasid) naman ang makakasama ni Ian,” sey ni Ogie.

Sobrang makisama sina Ogie at Regine sa kapwa nila singers, kaya naman marami talaga ang pumupuri sa kanila!

The post Aktres niregaluhan ng luxury car ni aktor? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *