Aktres iritada sa advertising agent

Himutok ng isang aktres na alumna ng ­Pinoy Big Brother house, naloloka siya sa isang advertising agent dahil hindi marunong mag-reply tine-text niya tungkol sa payment para sa mga pina­-post nito sa kanyang social media account.

aktres iritada sa advertising agent - Aktres iritada sa advertising agent
abante aktres - Aktres iritada sa advertising agent

abante anything goes jun lalin 1 336x224 - Aktres iritada sa advertising agentHimutok ng isang aktres na alumna ng ­Pinoy Big Brother house, naloloka siya sa isang advertising agent dahil hindi marunong mag-reply tine-text niya tungkol sa payment para sa mga pina­-post nito sa kanyang social media account.

Ang nakakaloka raw kay advertising agent ay hindi na raw ito nauubusan ng dahilan kapag sinisita niya kung bakit dedma. Minsan, sinasabing sira ang cellphone o ang sim, o kaya nasa meeting.

Sa inis nga ni aktres, pinost na niya sa kanyang Facebook account ang bagay na ‘yon, pero she’s nice pa rin naman dahil hindi niya pinangalanan si advertising agent.

Pero ilang buwan na raw kasing­ ginagawa ni advertising­ agent kay aktres ang bagay na ‘yon, kaya hindi ako magtataka kung tuluyang mairita ang alumna ni Big Brother at sa susunod ay papangalan na niya ang taong ‘yon, huh!

Ang alam ko nga pala, walang manager si aktres at direct sa kanya ang mga ganoong dealing. ‘Yun din ang problema minsan kapag walang manager ang isang celebrity dahil kapag may ganoong sabit, sila mismo ‘yung umaayos unlike kapag may manager sila, kadalasan bago pa i-post sa kanilang social media accounts ang mga produkto ay advance na ang bayad at kung hindi naman at magkaroon ng dabit ay ang manager nila ang umaayos.

Pokwang lagare sa project nina Maine, Liza-Enrique

Alam mo, Dondon, bilib ako sa ugali ni Pokwang. Kapag nag-message ka kasi sa comedienne, mabilis mag-reply.

Kapag may tinanong ako sa kanya, asahan mo na kahit busy siya, sasagot at sasagot ang comedienne. Kahapon nga, kinumusta ko si Pokwang.

Sagot kaagad siya, “Hi marse… heto po, nag-shooting na ako kahapon with Bossing Vic (Sotto) for MMFF with Maine Mendoza and Jake ­Cuenca mare, ‘tapos waiting na sa new tele­serye with LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil) next month, ‘tapos busy sa aming YouTube channel and mag-birthday vacation get-away, hahahaha, sa 24-29 sa Cebu marse bago mag-start ng ratsada sa work, may mga TVC shoot this week mare, pero bawal pa i-chika. Sala­mat marse.”

Wow, ang bongga at ratsada nga sa work si Pokwang. Bale advanced birthday gift na nga raw kay ­Pokwang ang napakaraming trabaho dahil sa August 27 ay 49 years old na siya.

Oo nga pala, nilinaw ni Pokwang na hindi pa nila kasama noong Sunday sa shooting si Maine dahil may shooting ito ng movie with Carlo Aquino.
“Pero sa Wednesday (tomorrow), kasama na namin siya sa shooting.”

Richard feeling photographer kay Sarah

Hilig talaga ni Richard Gutierrez ang photo­graphy. Nagsilbi ngang “photographer” si ­Richard ng lovey-dovey niyang si Sarah Lahbati noong weekend bago nagpunta ang aktres sa isang event.

Dahil fully made-up si Sarah for that event, nag-pictorial muna sila ni Richard bago siya umalis ng bahay. In fairness, parang kuha talaga ng isang professional photo­grapher ang pictures ni Sarah sa “pictorial” na ‘yon, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *