Aiko nireto ang namayapang ama kay Gina

Matagal nang patay ang ama ni Aiko Melendez, ang actor na si Jimi Melendez, pero tila binubuhay nito ang alaala dahil sa pagrereto pa rin sa namayapang actor at director nila sa Prima Donnas na si Direk Gina Alajar.

The post Aiko nireto ang namayapang ama kay Gina first appeared on Abante.

aiko nireto ang namayapang ama kay gina - Aiko nireto ang namayapang ama kay Gina
abante aiko 2 - Aiko nireto ang namayapang ama kay Gina

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 1 300x180 - Aiko nireto ang namayapang ama kay GinaMatagal nang patay ang ama ni Aiko Melendez, ang actor na si Jimi Melendez, pero tila binubuhay nito ang alaala dahil sa pagrereto pa rin sa namayapang actor at director nila sa Prima Donnas na si Direk Gina Alajar.

May panghihinayang kay Aiko na sana raw, si Direk Gina na lang ang kanyang naging step-mom.

Nag-throwback din ito ng picture ng papa niya at ni Direk Gina nang magkasama ito sa movie. Fan din daw ang Mommy Elsie niya ni Direk Gina. Gusto raw nitong sumama sa taping para makapagpa-picture, pero dahil sa COVID-19, bawal itong lumabas.

Nagre-request din si Aiko kung pwede raw niyang itawag kay Direk Gina ay “momma.” Nagpasalamat din ito, same with other cast of Prima Donnas nang magkaroon siya ng COVID-19 scare sa pag-alaga at pag-alala sa kanya.

Nawalan din kasi ng panlasa ang actress, pero ang sanhi naman pala ay ang kanyang tonsilitis.

Kapuso pa rin ako – Kris

Matagal nang wini-wish ni Kris Bernal na magkaroon ng co-manager. Ang alam namin, ilan din ang nilapitan niyang manager para mag-manage sa kanya.

Obviously, hindi nag-materialize sa mga una niyang nilapitan at masaya naman ito na finally, under the management na siya ng Cornerstone ni Erickson Raymundo.

Ayon kay Kris, freelancer raw siya and that she will always be a Kapuso.

For 13 years ay under GMA Artist Center si Kris bilang Ultimate Winner ng StarStruck. Kung titingnan ang mga shows na nagawa niya sa GMA, lahat ay pawang magaganda at siya ang bida at nahasa siya.

Ang alam namin may offer kay Kris ang GMAAC. Let see kung posible ang co-management o kung mas magwu-work-out kay Kris ang iba ng management.

Ang fiancee ni Kris na si Choi Perry ay may message rito na, “Hawak mo naman talent and skill mo kahit saang network ka mapunta so keep on moving forward.”

The post Aiko nireto ang namayapang ama kay Gina first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *