Aicelle Santos 2nd runner-up sa Vietnam singing contest

Muling nagdala ng karangalan ang Kapuso singer na si Aicelle Santos sa bansa nang maiuwi nito ang silver award sa nakaraang ASEAN+3 Song Contest na ginanap sa bansang Vietnam.

aicelle santos 2nd runner up sa vietnam singing contest - Aicelle Santos 2nd runner-up sa Vietnam singing contest
Abante tnt acell - Aicelle Santos 2nd runner-up sa Vietnam singing contest

Muling nagdala ng karangalan ang Kapuso singer na si Aicelle Santos sa bansa nang maiuwi nito ang silver award sa nakaraang ASEAN+3 Song Contest na ginanap sa bansang Vietnam.

Nakuha ni Aicelle ang 2nd runner up place sa natu­rang singing contest kunsaan nakalaban niya ang higit na 22 professional singers mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia tulad ng China, Japan and Korea noong nakaraang July 28.

Inawit ni Aicelle ang “Kapangyarihan ng Pag-ibig” ni Jungee Marcelo sa final round kunsaan binigay sa kanya ang silver award.

“Honored to have shared our very own Pinoy Music alongside @timpavino and @stevenerib on ASEAN stage. And what a feat to bag silver! Mabuhay ang OPM! Thank you sir @jungeemarcelo and kuya @jannolategibbs sa inyong musika! #KapangyarihanNgPagibig #IkawPaRin Thank you Father God! All glory to You! My beautiful Filipiñanas by @jorubio_ and @glademirechavarr!” post pa ni Aicelle sa Instagram.

Ang nanalo ng grand prize ay si Rosario Ninih Chamini Bianis ng Malaysia.
Ang nag-organize ng ASEAN+3 contest ay ang the Voice of Vietnam na nag-celebrate ng 52nd anniversary.

Sa pagbalik ni Aicelle ng Pilipinas, muli siyang mapapanood sa 7th season run ng “Rak of Aegis” at sa “Studio 7” ng GMA-7. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *