Aicelle-Mark kasal simple, pribado

Tuloy ang kasal nina Aicelle Santos at Mark Zambrano sa taong ito. Sa katunayan ay nai-share na nila sa Instragram ang kanilang prenup shoot na kinunan sa Zurich, Switzerland.

The post Aicelle-Mark kasal simple, pribado appeared first on Abante News Online.

aicelle mark kasal simple pribado - Aicelle-Mark kasal simple, pribado
aicellesantos - Aicelle-Mark kasal simple, pribado

Tuloy ang kasal nina Aicelle Santos at Mark Zambrano sa taong ito. Sa katunayan ay nai-share na nila sa Instragram ang kanilang prenup shoot na kinunan sa Zurich, Switzerland.

Naging memorable ang Switzerland para sa dalawa dahil doon sila nag-celebrate ng pagpasok ng New Year.

Heto ang caption ng Kapuso singer-actress sa kanyang IG: “Excited to walk this path with you. #amazinggrace #AiMarked”

Sa IG naman ng GMA New corres­pondent, ito ang naging caption niya: “By Rhein Falls. Falling for you. Like I do everyday. #AiMarked: @niceprintphoto.”

Heto naman ang caption sa IG ng kanilang official photographer na Nice Photography:

“During Aicelle’s Miss Saigon tour in Switzerland, her fiance Mark visited her We took this opportunity to do some pre wedding shots around Old Town Zurich️ Pre wedding shoot for Mark Zambrano and Aicelle Santos #niceprintinternational #AiMarked.”

Nag-shoot ang soon-to-be-husband and wife sa mga pamosong sites ng Switzerland tulad ng Old Town, Matterhorn at The Rhine Falls.

Ang kanilang wedding planner ay si Lia del Castillo at na­ging maayos ang kanilang first meeting noong nakaraang March 13.

Hiling nila Aicelle at Mark na maging simple at private ang kanilang wedding. (Ruel Mendoza)

The post Aicelle-Mark kasal simple, pribado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *