Ai Ai sasabak na sa in vitro fertilization sa 2020

Anim na taon na rin ang relasyon ni Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan, kasama na ang pagiging mag-asawa nila kunsaan, two years na sila sa December. At kasama talaga sa plano nila ang magkaroon ng sarili nilang anak.

ai ai sasabak na sa in vitro fertilization sa 2020 - Ai Ai sasabak na sa in vitro fertilization sa 2020
ABANTE aiai 1 - Ai Ai sasabak na sa in vitro fertilization sa 2020

Ni Rose Garcia

Anim na taon na rin ang relasyon ni Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan, kasama na ang pagiging mag-asawa nila kunsaan, two years na sila sa December. At kasama talaga sa plano nila ang magkaroon ng sarili nilang anak.

Nabanggit na ito ni Ai Ai sa mga past interview niya na magla-lie-low muna siya sa work para mag-focus sa pagkakaroon ng baby through in vitro fertilization.

Ang bago ay ang masayang balita ni Ai Ai na may “embryo” na sila for the in vitro. Dito lang sa bansa ang magiging proseso pero nakikita ni Ai Ai na next year pa nila ito gagawin.

Siya rin mismo ang magke-carry ng baby. Katwiran niya, “Kaya ko naman, malakas naman ako. Ita-try ko muna na ako, but I hope, alam ko, mabait ang Diyos, magiging successful.”

Napapalakpak ito nang ilahad na may embryo na sila for in vitro. “Yehey, very good, thank you Lord. God is good.”

Kaya naman daw gagawin niya ang lahat para mabuo itong talaga sa sinapupunan niya. Yun daw ang reason kaya magbi-bed rest na lang muna siya.

“Siyempre, hindi ko na iri-risk yun.”

Kahit daw ang mga anak niya, excited na magkakaroon ang mga ito ng bagong kapatid.

“Kahit naman ako, excited ako, kaya lang siyempre, kailangan munang mag-work. At yung Mother’s Day movie ko rin sa Regal, kailangan ko munang i-promote yun.”

Pero ngayong August 14, may bagong movie si Ai Ai, ang “And Ai, Thank You” kunsaan, isang sikat na artista ang role niya pero may taning na ang buhay ng anim na buwan. Under Reality Entertainment at sa direksiyon ni Joven Tan.

Ejay Falcon hindi lalayasan ang ABS-CBN

Intense family action/drama raw ang bagong serye ni Ejay Falcon sa ABS-CBN, ang “Sandugo” kunsaan, kasama niya si Aljur Abrenica.

Si Aljur ay dating Kapuso turned K­apamilya while Ejay remains to be loyal Kapamilya since his PBB days.

Sampung taon na raw siyang Kapamilya at kakapirma lang din niya ng panibagong two years contract.

Katwiran niya kung bakit nananatili siyang isang loyal Kapamilya, “Alam niyo po, galing ako sa wala. Pero nang dahil kay Direk Lauren Dyogi, na-discover ako, so lahat ng meron ako ngayon, utang na loob ko sa kanila.
“Kung hindi dahil sa kanila, wala ako rito, hindi ko matutulungan ang pamilya ko, hindi ako makikilala.”

More than sa lumipat ng network, mas ang naiisip daw ni Ejay, yung role. May role raw siyang gustong magawa. Kaya thankful daw siya na kahit kung tutuusin, ang dami nilang artista sa ABS-CBN, siya ang naisip at nabigyan ng pagkakataon ng network sa isang serye tulad nga ng Sandugo.

Isa rin sa mga PPL Entertainment, Inc. A­rtist si Ejay at sa mga pakikipag-usap namin sa kanya, isa sa napansin namin sa kanya talaga ay ang pagiging simple at palaging tumitingin kung saan siya nanggaling.

Very thankful din siya sa mga nakakatulong sa kanya. At isa rin sa bagong ipinagpapasalamat niya, bukod sa bagong serye ay ang pagiging endorser niya ngayon ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan.

Nababaitan si Ejay sa may-ari ng Beautederm at nagpapasalamat na isa siya sa mga artistang napili to be their endorser.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *