Ai Ai naloka sa libreng pa-puk* sa mga bading

Naloka si Ai Ai delas Alas sa isang Facebook post na kasama ang isang barangay captain, pati na ang isang mayor at kongresista, na kung saan ay nakalagay ang mga linyang “Libreng Pa Puke”, kasunod ang mga linya pang, “Para sa mga nais magpagawa ng puki… 18 pataas, handog lingkod bayan para sa lgbt. First come, first served, no advanced registration.”

ai ai naloka sa libreng pa puk sa mga bading - Ai Ai naloka sa libreng pa-puk* sa mga bading
ai ai delas alas 1 - Ai Ai naloka sa libreng pa-puk* sa mga bading

Dondon Sermino Paistaran 16 336x224 - Ai Ai naloka sa libreng pa-puk* sa mga badingNaloka si Ai Ai delas Alas sa isang Facebook post na kasama ang isang barangay captain, pati na ang isang mayor at kongresista, na kung saan ay nakalagay ang mga linyang “Libreng Pa Puke”, kasunod ang mga linya pang, “Para sa mga nais magpagawa ng puki… 18 pataas, handog lingkod bayan para sa lgbt. First come, first served, no advanced registration.”

Siyempre, dahil nakalagay ang mga mukha ng mayor at kongresista, inisip ni Ai Ai na legit ang anunsyo na ito.

Heto nga ang reaksyon niya:

“Ano baa ng nangyayari sa Pilipinas. Totoo ba yan? Alam mo lahat ng kakilala kong nagpaganiyan parang napa-pransiya (praning).”

Sagot naman ng kausap ni Ai Ai na si Lito Alejandria, ang isa sa mga may-ari ng Zirkoh Comedy bar:

“Korek partner, kaya dapat kasi magpa-consult sa psychiatrist at me mga counselling pa yan at evaluation before ka magpaopera. Dami talagang napapraning.”

“Oo, hindi puwedeng basta-basta at super sakit daw niyan at ang ibang detalye pag nagkita na tayo. Ano bay an wan a nga nilang gawin yan. Sus naman!” sabi ulit ni Ai Ai.

Well, mukha namang peke ang anunsiyo na ‘yan. Kaloka, sino ba namang nasa tamang pag-iisip ang gagawa ng ganiyan, na may project na libreng pa-puke, ha!

Kaloka ang social media. Lahat na lang na kalokohan, kabalahuraan makikita mo. Kaya sa mga magulang diyan, ingatan natin ang mga bata na hindi nila makita ang mga ganyan.

Sana lang, magkaroon talaga ng Facebook na para sa mga bata lang. Sana lang…

Jeric type maging dyowa si Klea

Beauty queen in the making si Klea Pineda, ha! Imagine, sa edad niya ngayong 20, umabot na siya sa 5’10”, at sa totoo lang, ang ganda-ganda ng kanyang mukha, kahit wala siyang makeup.

Aminado si Klea na pangarap talaga niya ang maging beauty queen. Noon pa raw ay marami na ang nagsasabi sa kanya na pasukin ang mga beauty pageant.

At oo nga, interesado naman talaga siya. Pero, dahil bigla ngang pumasok ang bagong project na “Magkaagaw” na silang dalawa ni Jeric Gonzales ang bida, kaya malamang na mausog pa ang plano niyang ito.

Baka raw after 2 years pa niya gawin ang pagpasok sa mga beauty pageant. Bata pa naman siya, at ang pagsali naman sa mga beauty contest ay puwedeng-puwede hanggang 26 years old. So, may anim na taon pa siya para maghanda.

Siyempre, supportive naman si Jeric kay Klea, kahit tinakot namin siya, na baka ‘pag naging beauty queen na si Klea ay makalimutan na siya.

“Hindi naman po mangyayari ‘yon. Palagi ko po siyang babantayan, basta susuportahan ko siya sa mga pangarap niya,” sambit ni Jeric.

Anyway, mukhang malapit na ngang maging magdyowa ang dalawa. Pareho naman nilang type ang isa’t isa, pero ayaw raw nilang magpa-pressure sa mga kagustuhan ng mga fan na maging sila na.

Gusto nga pala ni Jeric ang mukha ni Klea na kahit walang makeup ay maganda, at gusto naman ng huli ang pagiging gentleman ng una, at ang mga mata raw nito, na parang nangungusap kapag tinititigan niya.

Yes, marami raw silang kissing scene sa “Magkaagaw”, dahil mag-asawa ang mga role nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *