Ai-Ai aminadong plastik

Hindi nakasipot si Sofia delas Alas, anak ni Ai-Ai delas Alas, sa pocket interview ng Comedy Queen kahapon para sa Viva movie niyang “Sons of Nanay Sabel.”

The post Ai-Ai aminadong plastik appeared first on Abante News Online.

ai ai aminadong plastik - Ai-Ai aminadong plastik
aiai 4 - Ai-Ai aminadong plastik

abante i know better jun nardo 336x224 - Ai-Ai aminadong plastikHindi nakasipot si Sofia delas Alas, anak ni Ai-Ai delas Alas, sa pocket interview ng Comedy Queen kahapon para sa Viva movie niyang “Sons of Nanay Sabel.”

“Sumakit ang tiyan niya,” rason ni Ai-Ai.

May special participation ang anak niya sa pelikula. Gusto rin kasi ng anak niyang mag-artista.

“Ang ayaw niya, ‘yung maraming sinasabi. Nakikialam. Naiingayan daw siya! Ha! Ha! Ha!” saad pa ni Ai.

Ayaw ng anak niya ng intriga?

“Ayaw niya ‘yon. Gusto niya umaarte lang siya. Ganoon talaga ‘yon. Sabi ko nga, ‘Anak parang hindi ka bagay mag-artista kasi kasama ang intriga sa trabaho.’ ‘Kasi, Mommy, ‘yun ang nararamdaman ko eh.’ ‘Okey,’” diin ng Comedy Queen.

Hindi na ba siya nasanay sa‘yo?

“Ano? Na plastic? Ha! Ha! Ha! Eh kasi kasama ‘yon sa artista. Sabi nga nila, choose your battle. Hindi lahat papatulan mo lalo na ngayon sa social media, hindi mo kilala ‘yung papatulan mo,” dahilan ni Ai-Ai.

Teka, ano na ang nangyari sa bashers niya dati na pinaimbestigahan niya?

“Wala na! Hayaan mo na ‘yon. Quiet na lang tayo. Move on na tayo,” lahad ng Reyna ng Komedya.

Naurong ang playdate ng movie niya at sa Mayo 8 na ito mapapanood. Hiling lang niya sa fans ng Ex Battalion na kasama sa pelikula, eh panoorin ang kanilang idolo na umaarte sa big screen na sinamahan pa ng mga bagong kantang magugustuhan.

“Natuwa sila dahil first time nilang magka-movie. Nakita nila ‘yung malalaki nilang mukha. In fairness naman sa mga alaga ko, pumuti naman ang mga mukha nila sa ilaw! Kuminis-kinis naman! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Ai-Ai.

After “Sons of Nanay Sabel,” may tatlong pelikula pa siyang ipalalabas. Blessing na ito para sa kanya. Nais niyang habang nagbabakasyon siya para magbuntis eh may palabas siyang movies.

The post Ai-Ai aminadong plastik appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *