Agresibong lalaki arestado sa panggugulo kay Kylie Jenner

Nagsampa ng restraining order ang Hollywood personality na si Kylie Jenner laban sa isang lalaki na bigla na lamang nanggulo sa kanyang pamamahay. Agresibo umano itong nagpumilit pumasok sa bahay nila dahil gusto raw siyang makita.

agresibong lalaki arestado sa panggugulo kay kylie jenner - Agresibong lalaki arestado sa panggugulo kay Kylie Jenner
kylie 9 - Agresibong lalaki arestado sa panggugulo kay Kylie Jenner

Nagsampa ng restraining order ang Hollywood personality na si Kylie Jenner laban sa isang lalaki na bigla na lamang nanggulo sa kanyang pamamahay. Agresibo umano itong nagpumilit pumasok sa bahay nila dahil gusto raw siyang makita.

Ayon sa mga dokumentong inihain ng abodago ni Jenner na si Shawn Chapman Holley, bigla na lamang sumulpot ang lalaki sa daanan ng bahay ni Kylie at kinalabog ang pinto nito. Pilit nitong sinasabi na gusto niyang makita si Kylie pero agad ding rumesponde ang mga guwardiya para arestuhin ang naturang lalaki.

Labis na ikinatakot ito ni Kylie, at nag-alala siya para sa seguridad ng kanyang pamilya lalo’t ang lalaking iyon na nangungulit ay naka-follow rin sa kanila sa social media.

Anyway, wala naman si Kylie sa kanilang bahay noong oras na nangyari iyon.

Kinakailangang manatili ang lalaking iyon ng 100 yards papalayo mula sa pamamahay, kotse at mismo kay Kylie, ayon sa order ng model sa dokumentong ipinatupad nito. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *