Agot sinopla si Digong sa alok na maging drug czar si Leni

Matapos magpahinga ng 12 days (October 16 ay nagpaalam siya na iiwan muna ang Twitter), heto at aktibo na naman muli si Agot Isidro sa pagtu-tweet. Oktubre 28 nga siya opisyal na nagbalik, at pasabog agad-agad ang kanyang mga chika, ha!

agot sinopla si digong sa alok na maging drug czar si leni - Agot sinopla si Digong sa alok na maging drug czar si Leni
agot x digong - Agot sinopla si Digong sa alok na maging drug czar si Leni

Matapos magpahinga ng 12 days (October 16 ay nagpaalam siya na iiwan muna ang Twitter), heto at aktibo na naman muli si Agot Isidro sa pagtu-tweet. Oktubre 28 nga siya opisyal na nagbalik, at pasabog agad-agad ang kanyang mga chika, ha!

Kasi nga, tungkol lang naman kay President Rodrigo Duterte ang kanyang tweet. May kinalaman ito sa pahayag ng Pangulong Digong na iiwanan, o hahayaan muna niyang mamahala sa paglaban sa droga, o drugs czar si Vice President Leni Robredo sa loob ng anim na buwan.

At hindi nga nakatiis si Agot, at agad-agad ay nag-tweet siya, na muli ay humamig nga ng sangkatutak na reaksiyon.

“Kung ako si VP Leni, di ko yan papatulan. Sasabihin ko lang… Ikaw ang nangako. Ikaw ang nagkalat. Ikaw ang maglinis!” unang tweet ni Agot.

“Because in all honesty, do you think they will let her succeed,” kasunod na tweet niya.

“Guys, puede mag-Tagalog. Naiintindihan din naman. #RealTalk,” susog na tweet pa niya.

Oh, ‘di ba? Fighting mode ulit si Agot, walang kupas, at palaban pa rin talaga. At dahil diyan, sangkatutak na reaksiyon na naman ang mababasa mo sa Twitter account ni Agot, bagamat may iba na burado na.

Heto nga ang bonggang-bonggang tweet ng mga follower ni Agot, o mga netizen:

Fermin Janaya, “Hahahaha….. Saludo pa naman ako sayo Miss @agot-isidro….kaso mahilig ka rin pala makisawsaw…hahahaha.”

@IAmMicael, “I think yung nagkalat na part eh hindi lang etong admin, pero nililinis din kasi yung mga kalat nung mga past admins pa way back. Hindi rin lalaki yung drug problem kung may nagawa yung past admins.”

@otreble, “Kung ako si VP Leni, I’ll accept the challenge so I can prove to Agot & company that I’m not just a do nothing VP. Who knows Digong will reward her by giving his remaining tenure in office.”

@fansofdadine, “Bakit noon bang panahon nila dati may nangyari ba? Wala din naman diba instead of sisihan bat di na lang kayo magtulungan pataasan kasi kayo ng ihi, lagi nalang kayo bash, kaya di umunlad ang pilipinas walang gustong magpatalo. Di ako basher concern citizen lang. #magtulungan.”

@Jampong_Aira8, “Hindi rin naman si VP Leni ang nangako nang kabalbalang 6months! Kung talagang epic fail sya sa mga pinangako nya pati labor and employment kay VP na rin nya ibigay. Sabi nya tapusin daw endo ng 3months.”

@athenasevilla1, “Flowery words, diyan madali makuha ang mga Filipino, aminin natin. Tssskkkk…. Hay….”

Haaaayyyyy… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *