‘Agila’ ni Bong lilipad na sa GMA

Isang malaking tagumpay ang isinagawang ‘Amazing Ang Pasko Christmas Giveaway’ ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na tinutukan ng maraming Pilipino matapos mamahagi ng napakaraming premyo at pangkabuhayan upang makatulong sa gitna ng pandemya.

The post ‘Agila’ ni Bong lilipad na sa GMA first appeared on Abante.

agila ni bong lilipad na sa gma - ‘Agila’ ni Bong lilipad na sa GMA
bong 4 - ‘Agila’ ni Bong lilipad na sa GMA

Isang malaking tagumpay ang isinagawang ‘Amazing Ang Pasko Christmas Giveaway’ ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na tinutukan ng maraming Pilipino matapos mamahagi ng napakaraming premyo at pangkabuhayan upang makatulong sa gitna ng pandemya.

Umabot sa mahigit P200,000 ang jackpot sa napakasimpleng palaro at marami ang nanalo ng P100,000 sa halos ipamigay na ni Sen. Bong Revilla, Jr. na premyo dahil sa napakarami ng umiiyak na kalahok.

Maging ang roleta ng papremyo ay sinasadyang pigilin ni Revilla dahil sa matinding pangangailangan ng tumawag na kalahok na nakaratay sa karamdaman ang kaanak kaya bukod sa premyong P50,000, P40,000 at P30,000 ay sinasagot pa nito ang pagpapagamot ng maysakit na kaanak.

Tumitili at umiiyak sa tuwa ang mga nagwagi dahil sa iba’t ibang premyo na kanilang natanggap na isang sinserong Pamaskong handog ni Revilla sa iba’t ibang parte ng bansa.

Bahagi rin ito ng pasasalamat ni Revilla para sa una niyang teleserye na ‘Agimat Ng Agila’ na malapit nang ipalabas sa GMA 7.

Ang napakasayang Amazing Ang Pasko Christmas Giveaway na live na napanood sa Facebook at YouTube ay pinangunahan mismo ni Bong a bilang host, kasama ang kaniyang may bahay na si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla, Cavite Vice-Governor Jolo Revilla, Moymoy Palaboy at Benjie Paras. (DS)

The post ‘Agila’ ni Bong lilipad na sa GMA first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *