Adele in love sa ex ni Naomi Campbell

Mukhang natagpuan na ni Adele ang tinutukoy niya sa kanta niyang “Someone Like You”.

adele in love sa ex ni naomi campbell - Adele in love sa ex ni Naomi Campbell
adele - Adele in love sa ex ni Naomi Campbell

Mukhang natagpuan na ni Adele ang tinutukoy niya sa kanta niyang “Someone Like You”.

Kilala ang singer sa kanyang mga tagos sa pusong heartbreak songs gaya ng “Rolling in the Deep”, “All I Ask” at marami pang iba.

Ngayon ay inaasahan o hinihiling ng mga fan na maaaring makabuo ng kanta ang singer na pang-in love naman na kanta dahil tila nakahanap na siya ng “special someone” niya.

Napabalitang nagde-date na ngayon ang 31-anyos na singer at ang 37-year-old UK grime artist na si Skepta.

Sinasabing ilang beses na nag-date ang dalawa kabilang na ang bonding nila sa London Crystal Maze Experience.

Hiling ng kanilang mga kaibigan na sila na nga sana ang magkatuluyan.

Matatandaang na-divorce ang singer noong April sa kanyang ex-husband na si Simon Konecki habang ang huling babaeng na-date naman ni Skepta bago si Adele ay ang supermodel na si Naomi Campbell. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *