ABS-CBN pinuri ng taumbayan sa bagyo coverage

Inulan ng papuri, pasasalamat ng mga netizen sa social media ang ABS-CBN dahil sa komprehensibong pagbabalita sa bagyong Rolly. Pero ang hindi alam ng marami ay malaking hamon pala ngayon sa mga reporter ng ABS-CBN News dahil hindi na sila makapag-live report gamit ang satellite feed na mahalaga para agarang ligtas at may alam ang publiko.

The post ABS-CBN pinuri ng taumbayan sa bagyo coverage first appeared on Abante.

abs cbn pinuri ng taumbayan sa bagyo coverage - ABS-CBN pinuri ng taumbayan sa bagyo coverage
abs cbn 5 - ABS-CBN pinuri ng taumbayan sa bagyo coverage

Inulan ng papuri, pasasalamat ng mga netizen sa social media ang ABS-CBN dahil sa komprehensibong pagbabalita sa bagyong Rolly. Pero ang hindi alam ng marami ay malaking hamon pala ngayon sa mga reporter ng ABS-CBN News dahil hindi na sila makapag-live report gamit ang satellite feed na mahalaga para agarang ligtas at may alam ang publiko.

Sa pagkawala ng prangkisa ng network, umaasa na lang sa mobile data ang mga field reporter sa pagbabalita na nakasalalay sa lakas ng signal na masasagap sa lugar. Kaya naman, limitado ang live reporting ng ABS-CBN na mahalaga tuwing may kalamidad.

Ang ABS-CBN reporter na si Jacque Manabat na ipinadala sa Catanduanes, humingi ng pasensya sa kanyang follower.

“Our team is on the way to Catanduanes. We will try our best to give you updates once we reach the area,” sabi niya.

Isa ang Catanduanes sa mga lugar na pinadapa ng bagyong Rolly kaya doble kayod ang ABS-CBN News sa paghahatid ng mahahalagang impormasyon.

Kung na-renew lang sana ang prangkisa ng ABS-CBN, mas marami sanang live report mula sa network tungkol sa sitwasyon sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Rolly.

Pero wala na tayong magagawa kundi manghinayang dahil sa pagbasura ng 70 mambabatas sa prangkisa ng ABS-CBN kung saan kitang talo ang taumbayan.

Batid din ni dating Bise Presidente Jejomar Binay ang masamang epekto ng pagkawala ng ABS-CBN regional stations na susi para una agad na makakaalam sa balita ang mga residente sa lugar at para mas maintindihan nila ang posibleng epekto ng bagyo dahil ang dialect o lengwahe nila ang ginagamit ng regional stations sa pagbabalita.

“Sadly the closure of ABS-CBN, including its radio and regional network, has left a noticeable void that has yet to be filled by the other networks,” sabi ni Binay sa isang pahayag.

Ang madlang pipol sa Twitter noong Nobyembre 1 ay naglabas din ng saloobin sa tila’y nasayang na papel ng ABS-CBN noong binabayo ng bagyong Rolly ang Luzon. Napa-tweet nga rin sina dating COMELEC commissioner Goyo Larrazabal at dating consultant ng Inter-Agency Task Force (IATF) for COVID-19 na si Dr. Tony Leachon ng kanilang panghihinayang sa sanay mas malawak na pagbabalita ng ABS-CBN.

Pero in fairness, kahit limitado ang budget at empleyado, bongga pa rin ang Kapamilya network sa kanilang special coverage sa bagyong Rolly. Hinangaan sila ng mga tao dahil kung sino pa raw ang walang prangkisa, ‘yun pa ang aktibong magbalita. Talagang hindi lang slogan ang turing nila sa ‘in the service of the Filipino.’ Isinasabuhay talaga nila ito. Gumagawa talaga sila ng paraan para makapaglingkod sa publiko.

The post ABS-CBN pinuri ng taumbayan sa bagyo coverage first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *