ABS-CBN pinarangalan ng ICD

Pinatunayan muli ng ABS-CBN kung bakit isa ito sa hinaha-ngaang korporasyon sa bansa matapos ma-ging natatanging media network na pinarangalan ng Institute of Corporate Directors (ICD) para sa mahusay na pamamalakad sa kompanya.

The post ABS-CBN pinarangalan ng ICD appeared first on Abante News Online.

abs cbn pinarangalan ng icd - ABS-CBN pinarangalan ng ICD
abs 1 - ABS-CBN pinarangalan ng ICD

Ni D­ondon Sermino

Pinatunayan muli ng ABS-CBN kung bakit isa ito sa hinaha-ngaang korporasyon sa bansa matapos ma-ging natatanging media network na pinarangalan ng Institute of Corporate Directors (ICD) para sa mahusay na pamamalakad sa kompanya.

Tinanggap ni ABS-CBN chief financial officer Aldrin Cerrado ang tropeo para sa Kapamilya network sa ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Re­cognition Ceremony, kung saan kinikilala ang mga kompanyang maayos ang pagpapatakbo at sumusunod sa mga regulasyon ng gobyerno.

Ani Cerrado, mahalaga ang corporate governance para manatiling matibay at nangunguna sa industriya ang 65-taong gulang na kompanya.

“Mahalaga na maipakita natin sa ating mga stakeholder at investor na tama ang pamamahala sa orga-nisasyon para patuloy nila tayong suportahan, at patuloy din nating magampanan ang misyon nitong maglingkod sa mga Pilipino,” aniya.

Dagdag niya, sinusunod ng ABS-CBN ang pamantayan ng ICD, na may layuning itaas ang kalidad ng polisiya sa corporate governance sa bansa na papantay sa mundo. Pinag-aaralan nito ang mga gawain ng mga kompanya tulad ng ABS-CBN at ginagawaran ang mga organisasyon na magaling at kahanga-hanga ang pamamalakad.

The post ABS-CBN pinarangalan ng ICD appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *