ABS-CBN, PAGASA, MMDA, NDRRMC may hatid na libre at real-time info

Mas maraming Pilipino na ang maaabot ng mahahalagang impormasyon tulad ng news advisories, disaster alerts, traffic updates, weather bulletins, at job vacancies, dahil nagsanib-puwersa ang ABS-CBN, PAGASA, MMDA, at NDRRMC para maghatid ng libre at real-time na updates gamit ang bagong feature ng TVplus na INFOplus.

abs cbn pagasa mmda ndrrmc may hatid na libre at real time info - ABS-CBN, PAGASA, MMDA, NDRRMC may hatid na libre at real-time info
ABANTE abs cbn - ABS-CBN, PAGASA, MMDA, NDRRMC may hatid na libre at real-time info

Mas maraming Pilipino na ang maaabot ng mahahalagang impormasyon tulad ng news advisories, disaster alerts, traffic updates, weather bulletins, at job vacancies, dahil nagsanib-puwersa ang ABS-CBN, PAGASA, MMDA, at NDRRMC para maghatid ng libre at real-time na updates gamit ang bagong feature ng TVplus na INFOplus.

Nagkaisa ang TVplus, PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), at NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) para magbigay ng real-time updates tungkol sa weather, traffic, at disaster alerts tulad ng lindol at tsunami.

Samantala, hatid naman ng ABS-CBN News ang mga makabuluhang balita kabilang na ang work at class suspensions, pati na ang presyo ng mga bilihin sa merkado. Magbibigay naman ng job alerts sa mga nagha-hanap ng mapapasukang trabaho ang TrabaHanap.

Gamit ang INFOplus, maaari ring mag-check ng TVplus updates ang isang user at tingnan ang weekly KBO (Kapamilya Box Office) schedule.

Walang bayad ang paggamit ng INFOplus at hindi rin kailangan ng internet para rito. Kailangan lang pindutin ng TVplus user ang red button sa TVplus remote at lalabas na ang INFOplus.

“Hindi lang malinaw na panonood ng TV ang benepisyo ng digital TV. Hangad ng ABS-CBN TVplus na bukod sa entertainment, magkakaroon din ang TVplus users ng kaalaman tungkol sa mga mahahalagang impormasyon na nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay nila na walang kailangang bayaran,” ani Charles Lim, ABS-CBN head of Access.

Ang ABS-CBN na nagta-transition bilang isang digital company, ang u­nang media at entertainment company sa bansa na nagpakilala ng DTT o digital terrestrial television sa bansa sa pamamagitan ng ABS-CBN TVplus na inilunsad noong 2015 at nakabenta na ng walong milyong box as of July 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *