‘Abantelliling’ anniv hitik sa saya, grasya

Puno ng saya at grasya ang naganap na selebrasyon para sa isang taon na anibersaryo ng “Abantelliling”, ang online show namin ni Dondon Sermino (na mapapanood sa Facebook page ng Abante News Online at YouTube channel) na ginanap sa Abante office, sa Makati City.

abantelliling anniv hitik sa saya grasya - ‘Abantelliling’ anniv hitik sa saya, grasya
abante 4 - ‘Abantelliling’ anniv hitik sa saya, grasya

Walang atrasan sa telling, sa chika super galing!

Puno ng saya at grasya ang naganap na selebrasyon para sa isang taon na anibersaryo ng “Abantelliling”, ang online show namin ni Dondon Sermino (na mapapanood sa Facebook page ng Abante News Online at YouTube channel) na ginanap sa Abante office, sa Makati City.

Sa sobrang saya ay hindi namin namalayan na umabot kami ng halos tatlong oras sa ‘live streaming’ sa sobrang dami ng kaganapan.

At siyempre, una sa lahat ay nais naming pasalamatan ang a­ming mga bossing na sina Sir Rey Marfil at Sir Gil Cabacungan, sa tiwalang ibinigay nila sa amin sa “Abantelling”.

Mula sa planning hanggang sa execution sa unang live, nakasuporta ang mababait naming mga bossing na bukas sa lahat ng mga suggestion at nais naming gawin sa show.

Ang nakaraang anniversary episode ay nag-iwan sa amin ng kaligayahan dahil sa mga sumuporta sa amin.

Unang-una na nga riyan ang mga kaibigang nagbigay ng pagsasaluhan, lalantakang pagkain, na sina Mommy Baby Tobillo at Atty. Len Perez mula sa Polari Music Hub, si Ms. Netz Diamze ng Fuzions Bar, at sina Doc.

Willie at Liza Ong.

Ganu’n din sina Sir Kane Choa, head ng ABS-CBN Corporate Communications, kasama si Aaron Domingo, Angel Javier at Mari­an Antonio ng GMA-7 Corporate Communications.

Salamat din kay Marija Debelic, Stella L., Both Of Us (Natasia at Sherman).

At siyempre, maraming salamat sa mga pabango mula kay Ms. Ced Medina Evangelista ng Perfume Dessert London. Ganu’n din sa Au Skin, Sogo at marami pang iba.

Salamat din sa mga performer na nagpunta tulad nina Junie Tobillo (na sabi nga ng marami ay katimbre ni Gary Valenciano), Kristal (Reyna ng TODA), Elias Point (Mr. Pogi 2019 1st runner-up), ang napakaganda at seksing si Phoebe Walker.

Naitawid nga nang pagkasaya-saya ang anibersaryo namin, na busog sa lafangan, katatawanan at kantahan.

Maraming salamat sa buong staff ng Abante, at sa aming production team, pati na kay LJ Gellido ng Cut of Encarnacion Group of Salon.

Ngayong tumungtong na kami sa ikalawang taon ng programa, wala kaming maipapangako kundi ang lalo pang makapagbigay ng kasiyahan sa magaan na tsikahan, na may kasamang tawanan sa aming mga live guest na mga celebrity, artista, singer at iba pang mga interesting, ta­lented na mga Pilipino.

Muli, ang aming pasasalamat sa panonood at pagtangkilik sa aming show, na kung saan ay walang atrasan sa telling, sa chika super galing, ang Abantelli­ling!!!

(Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *