Abante Tonite editor nahalal na pinuno ng PMPC

Nahalal na ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Naganap ang halalan noong January 8, 2021 .

The post Abante Tonite editor nahalal na pinuno ng PMPC first appeared on Abante.

abante tonite editor nahalal na pinuno ng pmpc - Abante Tonite editor nahalal na pinuno ng PMPC
abante awards - Abante Tonite editor nahalal na pinuno ng PMPC

Nahalal na ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Naganap ang halalan noong January 8, 2021 .

Ang entertainment editor ng Abante Tonite na si Roldan Castro ang 2021 PMPC President. Ito ang pangatlong beses niyang panalo. Una siyang naging presidente noong 2009 at nasundan ito noong 2012.

“Challenging ang pamumuno ngayong pandemya kaya sana ay sama-sama at magkaisa sa pagtataguyod ng club,” sabi ng bagong halal na Pangulo ng PMPC.

Narito pa ang mga nagsipagwwgi na bagong officer ng PMPC .

Fernan de Guzman bilang Vice President, Mell Navarro bilang Secretary at Mildred Bacud bilang Assistant Secretary.

Si Boy Romero pa rin ang Treasurer ng club habang Assistant Treasurer naman si Lourdes Fabian. Si John Fontanilla naman ang Auditor at nahalal namang PRO sina Rodel Fernando at Leony Garcia. Ang Board of Directors ay binubuo naman nina Sandy Mariano, Joe Barrameda, Eric Borromeo, Timmy Basil, Rommel Placente at Francis Simeon

Sa bagong pamunuang ito, ay hinahangad ng PMPC ang lalo pang pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikauunlad ng club. Asahan na rin ang mga makabuluhang proyekto na isasakatuparan ng naturang samahan.

The post Abante Tonite editor nahalal na pinuno ng PMPC first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *