Abante anniv party napuno ng ligaya, kantahan, inuman

Isang punong-puno ng kasiyahan, kantahan, sayawan, kainan at inuman ang naganap sa 2nd anniversary ng Prage Management Corporation, nong Miyerkoles ng gabi.

abante anniv party napuno ng ligaya kantahan inuman - Abante anniv party napuno ng ligaya, kantahan, inuman
anniv - Abante anniv party napuno ng ligaya, kantahan, inuman

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 30 336x224 - Abante anniv party napuno ng ligaya, kantahan, inumanIsang punong-puno ng kasiyahan, kantahan, sayawan, kainan at inuman ang naganap sa 2nd anniversary ng Prage Management Corporation, nong Miyerkoles ng gabi.

Ang PMC ay ang publisher ng Abante, Tonite at mga online news site na Abante Tunay na Tabloidista, Abante Digital at Radyo Tabloidista.

Mula nang hapon, ramdam na ang masiglang ambiance sa opisina ng Prage dahil sa inaasahang selebrasyon kahit sa gitna ng trabaho.

At pagsapit ng gabi, nagsimula na ang impromptu program na napanood rin sa FB page ng Abante at Abante YouTube channel, na nilahukan ng mga empleyado mula sa iba’t ibang departamento.

Syempre, hindi magiging kumpleto ang hagalpakan ng kasiyahan sa hosting namin ni Dondon Sermino sa program.

Merong pinuwersang magsayaw, mairaos lang. May karaoke challenge na hinila at pinilit lang na sumali.

Hindi man pinaghandaan at parang “syonga lang” ‘ika nga ang mga naturang talent showcase, ito ang nagbigay-kulay sa iba pang bahagi ng kasiyahan.

At nang magsimula nang tumugtog sa gabi para magbigay ng musical vibe ang singer na si Sharm Nolledo, ang guitarist na si Raymond at percussionist na si Arvic, nagkaroon ng party mood ang buong opisina.

Si Sharm ay isang events singer na napakaganda ng boses at napakahusay kumanta, samantalang mga sessionist musicians naman sina Raymond at Arvic.

Sabi nga sa comments ng mga naka-hook sa live feed, dapat raw sumali na sa mga reality talent search si Sharm, dahil sa totoo naman, napakalinis nitong kumanta at napakaganda ng kanyang boses.

More on about the party, naging mapagbigay ang mga bossing na sina Sir Rey Marfil at Sir Gil Cabacungan na mag-enjoy nang todo ang kanilang mga staff, sa pa-watering party ng iba’t ibang inumin.

Literal na parang nasa isang music bar ang buong opisina na kahit nasa gitna ng deadline ay nagkakasiyahan pa rin ang lahat.

Halos dalawang buwan pa bago sumapit ang Pasko, pero naka-experience na ng Christmas season ang buong PMC.

Mula sa aming mga bossing at sa buong staff at employees ng PMC, maraming salamat sa naging bahagi ng selebrasyon, sa mga bumati, nagbigay ng regalo at patuloy na sumusuporta.

Nasa ikatlong taon na po kami at sa mga susunod pang mga taon ng “walang atrasan, laging ABANTE lamang!”

Julia nalunod sa lungkot

Nasira ang pagiging brave at strong girl image ni Julia Barretto sa pagyao ng kanyang Lolo Mitoy kamakailan lang.

Sa Instagram post ni Julia sa larawan nilang dalawa ng kanyang Lolo, sinabi nitong intensyon niya ang hindi mag-post ng kanyang mga sad or broken moments dahil nais niyang mai-project sa kanyang mga supporter na isa siyang matatag na babae.

Pero namanhid, basag, nalulunod, naghahabol siya ng kanyang hininga, nagmamakaawa na patigilin muna ang paghihirap ng kanyang kalooban sa sitwasyong pinagdaraanan ngayon.

Bumigay muna si Julia sa kanyang image at nagbahagi ng nararanasan ngayon para ipaalam sa lahat na walang masama na maging basag at maipakita ang kanilang kahinaan.

Ito ang unang pagkakataong naglahad si Julia ng kanyang kahinaan na siyang hindi nakita ng kanyang mga fan sa controversy nito sa love triangle isyu nila nina Gerard Anderson at sa ex ng aktor na si Bea Alonzo.

“9/29” ang code name ni Julia sa kanyang Lolo, na date ng kaarawan nito.

“I miss you extra today 9/29. I wish I could hold your hand in times like this.”

Mga boylet naglaway sa anak ni Ina Raymundo:

Erika Rae bagong pantasya sa IG

May basbas si Ina Raymundo sa pagpapa-sexy ng anak sa social media, na siyang ikinawindang ng buong madla sa video post nito ng mga sexy scene ng dalaga suot ang ilang skimpy two piece swimsuit.

Eighteen pa lang si Erika Rae, pero palaban na ito sa kanyang pagpapa-sexy na tila gustong sundan ang image na naipundar ng kanyang ina sa showbiz.

Sey ni Ina sa reposting niya ng video ng anak, hindi niya inakalang magiging ganito ka-confident ang kanyang anak sa sarili nito.

Kuwento pa nito sa caption, “mahiyain at ayaw nitong i-post sa ina ang mga larawan niya noong mga early teenage years nito.

Hindi pa raw kasi ready ang anak na ma-expose sa public.

@inaraymundo, “I’m so glad we waited for the right moment..Here she is..”

Suportado ni Ina ang anumang karera o nais gawin ng kanyang anak para sa sarili nito.

Pero pangarap ni Ina na maging isang Hollywood actress ang anak gaya ng reply comment niya sa isang following na nagsabing bagay na maging isang aktres ang kanyang dalaga.

Kung papayagan lang ni Ina, agad-agad na magbibida ang anak sa isang film maker na nag-comment sa kanyang post at sinabing tatapusin lang nito ang isang project at pag-uusapan nila ang first film project ng anak.

Base sa IG account ng film maker, may ilan na rin itong ginawa na makikita sa kanyang photo gallery.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *