465 sinehan: KathDen naka-P177M na

Umabot na sa P176,637,000.95 million ang kinita ng Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, na dinirek ni Cathy Garcia Molina, at prodyus ng Star Cinema. At sa loob pa lang ‘yon ng apat na araw, ha!

465 sinehan kathden naka p177m na - 465 sinehan: KathDen naka-P177M na
Abante 2019 Kathden - 465 sinehan: KathDen naka-P177M na

Umabot na sa P176,637,000.95 million ang kinita ng Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, na dinirek ni Cathy Garcia Molina, at prodyus ng Star Cinema. At sa loob pa lang ‘yon ng apat na araw, ha!

Eh, di ba nga, ang bigat din ng kalaban nila, ang Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw, na pinagbibidahan nina Dwayne Johnson at Jason Statham.

At mula sa 300 na sinehan, umabot na sa 465 na sinehan nationwide ang pinagpapalabasan ngayon ng Hello, Love, Goodbye.

Eh, kahapon ay Sunday (pinakamalakas na araw sa mga sinehan), at number one trending agad ang pa-hashtag nilang #HelloLoveFamDay, kasunod ang #HelloLoveGoodbye.

At sa tantiya ng mga fan, baka umabot sa P80M ang kitain nito kahapon, dahil nung Sabado nga ay kumita ito ng P66M, at bonggang record na nga raw ‘yon. Eh, di ba, malakas ang ulan, at maraming tao pa ang hindi makalabas ng mga bahay nila. Pero, hindi sapat ‘yon para hindi tumabo sa takilya ang movie ng KathDen.

Sabi nga ng mga fan, ‘massive hit’ talaga ito, at pinagpapala talaga ang mga mabubuti ang puso na tulad ng KathDen.

Sa tingin din ng mga fan, kayang-kayang abutin ng movie na ito ang isang bilyon sa loob ng isang buwan, ha!

Eh, ang ganda nga raw kasi ng movie, at bongga ng word of mouth (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *