34 na siya: Angelica gusto nang magka-baby

Busog na busog sa pagmamahal si Angelica Panganiban mula sa pamilya, mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz, at mga nakasama sa trabaho.

The post 34 na siya: Angelica gusto nang magka-baby first appeared on Abante.

34 na siya angelica gusto nang magka baby - 34 na siya: Angelica gusto nang magka-baby
gel - 34 na siya: Angelica gusto nang magka-baby

Busog na busog sa pagmamahal si Angelica Panganiban mula sa pamilya, mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz, at mga nakasama sa trabaho.

Kanya-kanya silang paandar sa pagbibigay ng makabagbag-damdaming birthday message kay Angelica. Ang iba ay sinimulan ang kuwento sa kung paano naging mabuting kaibigan, kapatid sa kanila si Angelica.

Pero sa pagsalubong ni Angelica (Nov. 4 ang birthday niya), sina Bela Padilla at Direk Andoy Ranay ang kasama ni Angelica. Siyempre, bonggang chikahan, with matching kainan at drinking sesh ang naganap.

Sa chika ni Direk Andoy sa kanyang Instagram story, sinabi niya kay Angelica na, ‘It’s your birthday today, you answer me, I want a baby cake!’

Na ang sagot naman ni Angelica, ‘I want a baby!’

Well, sa edad ni Angelica ngayon, na 34 years old na nga, siguro ay okey lang na hilingin niya na gusto na niyang magka-baby, kesehodang pabiro man ito. Pero sana nga, makahanap na si Angelica na lalakeng magmamahal sa kanya, at bubuo sa mga pangarap niya. (Dondon Sermino)

The post 34 na siya: Angelica gusto nang magka-baby first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *