2 malditang Pinoy star kinabubuwisitan ng fashion designer nina Britney, Katy, Paris

Alam mo, Dondon, naaliw ako sa international fashion designer na si Rocky Gathercole nang mag-guest siya sa “Anything Goes” show ko sa Abante News Online last Wednesday.

2 malditang pinoy star kinabubuwisitan ng fashion designer nina britney katy paris - 2 malditang Pinoy star kinabubuwisitan ng fashion designer nina Britney, Katy, Paris
gathercole - 2 malditang Pinoy star kinabubuwisitan ng fashion designer nina Britney, Katy, Paris

Jun Lalin Anything Goes 13 336x224 - 2 malditang Pinoy star kinabubuwisitan ng fashion designer nina Britney, Katy, ParisAlam mo, Dondon, naaliw ako sa international fashion designer na si Rocky Gathercole nang mag-guest siya sa “Anything Goes” show ko sa Abante News Online last Wednesday.

Kahit napakaraming Hollywood celebrities na nagawan na niya ng damit like Britney Spears, Katy Perry, Paris Hilton, Nicki Minaj, Toni Braxton, Jordin Sparks, Carrie Underwood, Gwen Stefani, Jennifer Looez, Paula Abdul, Beyoncé, Thalia, Paulina Rubio, Gloria Trevi, Yuri, Tyra Banks, Jason Derulo, Ashanti, Maya, Teyana Taylor at iba pa, very down to earth nga siya.

Marami pa rin siyang local celebrities na gustong gawan ng damit like Ruffa Gutierrez, Snooky Serna at iba pa.

Movie fan nga kasi si Rocky lalo na noong time na palaboy pa lang siya sa Lawton, Manila noong teenager pa siya.

Ang buhay nga raw niya noon lalo na kapag Sunday ay pipila na siya sa GMA Super Show ng 4:00am and after that, pupunta sa bahay ni Maricel Soriano sa Kamuning, go sa bahay nina Albert at William Martinez sa may New York, Cubao, then sa Libis kung saan nakatira si Snooky at ang ending ay sa San Juan sa bahay ni Gabby Concepcion.

“Fan talaga ako noon. Sa Metropolitan Theater noon sa Lawton, kilala kami, kaya nakakapasok kami hanggang backstage. Noon pa, pangarap kong gawan ng damit ang mga artista.

“Si Sharon Cuneta, gusto ko talaga at ginagawan ko na nga siya ng damit. Sa ‘Iconic’ concert nila ni Regine (Velasquez-Alcasid), gagawan ko ang Megastar.

“Si Ruffa, noon ko pa gustong gawan, hindi ko nga lang alam kung paano ka kontakin,” sey ni Rocky, kaya after ng guesting niya, nasa loob pa kami ng Abante studio ay tinawagan ko na si Ruffa at gagawan na nga ito ni Rocky ng damit.

Nang nagtsitsikahan na kami ni Rocky sa dressing room ng Abante ay tinawagan ko naman si Snooky at nag-usap sila.

Noon pa rin pala sila nag-i-schedule na magkita, pero hindi pa natutuloy.

Sabi ni Rocky kay Snooky, gagawa siya ng mga damit at magpi-pictorial sila at bahala siya pati sa pagkuha ng makeup artist.

“Sobrang gusto ko ang local stars natin, kaya hindi ko iiwan ang Philippines kahit na marami akong ginagawan sa Hollywood,” sey ng international fashion designer na may shop sa Melrose Avenue.

Oo nga pala, nag-dialogue si Rocky na may two famous young actresses na ayaw niyang bihisan dahil nagmaldita sa kanya at ayaw magpasukat.

Sabi nga ni Rocky, ayaw niya sa mga artistang nag-a-attitude!

Eh, si Rocky nga naman, bongga ang Hollywood clients, pero walang kaere-ere at hindi kinakalimutan ang pinagmulan niya at never na ikinailang batang-kalye siya, kaya karapatan lang niya na isnabin ang mga artistang nagsusuplada, ‘noh?!

‘PBB’ alumna Miho Nishida binasura ng ABS-CBN

On Wednesday, 2:00pm, may live guesting sa online show ko ang “PBB” alumna na si Miho Nishida. Noong December last year pa pala nag-expire ang contract niya sa ABS-CBN at released na rin pala siya sa Star Magic at may bago na siyang manager, si Therese Ramos.

Bale may mga plano raw sina Miho at Therese sa career ng una. Sabi ni Therese sa akin, wala raw munang love life ngayon si Miho at career muna ang aatupagin dahil single mom nga naman siya at priority ang anak kesa sa lalaki, huh!

Teka! Tuluyan na bang mawawala sa Kapamilya network si Miho? Ano na kaya ang aabangan sa kanya ng mga fan?

“‘Yan ang sasagutin niya sa guesting niya sa online show mo,” sagot naman ng new manager niyang si Therese.

Juday nag-enjoy sa pang-aapi ng kapwa artista

Haharap mamaya sa entertainment press si Judy Ann Santos para sa presscon and screening ng new ABS-CBN series niya na “Starla”. Ang “Starla” ang papalit sa “The General’s Daughter” ni Angel Locsin.

May pagkakontrabida ang role ni Juday sa “Starla” at sinabi nga ng misis ni Ryan Agoncillo na masarap din palang mang-api paminsan-minsan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *