2 buwan sa ospital: Anak ni Tekla ligtas na sa sakit

Abot-langit ang pasasalamat ni Tekla dahil nasa mabuting kalagayan na ang anak na si baby Angelo. Noong Hunyo, ibinalita niya na pinanganak si Angelo na may anorectal malformation kaya sumailalim ito sa dalawang operasyon.

The post 2 buwan sa ospital: Anak ni Tekla ligtas na sa sakit first appeared on Abante.

2 buwan sa ospital anak ni tekla ligtas na sa sakit - 2 buwan sa ospital: Anak ni Tekla ligtas na sa sakit
Super Tekla - 2 buwan sa ospital: Anak ni Tekla ligtas na sa sakit

Abot-langit ang pasasalamat ni Tekla dahil nasa mabuting kalagayan na ang anak na si baby Angelo. Noong Hunyo, ibinalita niya na pinanganak si Angelo na may anorectal malformation kaya sumailalim ito sa dalawang operasyon.

Sa interview kay Tekla, masaya niyang ibinalita na malusog at maayos na ang kalagayan ng anak ngayon.

“In God’s will at sobrang blessed ‘yung baby ko. After all ng dagok, we’re fighting for almost two months sa hospital…and I should say that we won the battle against sa pinagdadaanan ng baby ko and sobrang miraculously he survived sa kanyang two major surgeries, sa neuro niya, lahat-lahat,” pahayag ni Tekla.

Dagdag ni Tekla, itinuturing niyang “miracle baby” ang anak.

“At his young age, sobrang miracle baby talaga. Hindi mo akalain na sa ganung edad ay makakayanan niya ‘yung ganung kabigat na operation. Now, sobrang healthy niya. Ang lakas dumede at saka sobrang likot, makulit kaya medyo napupuyat ako kasi kailangan pa rin siyang tutukan from time to time pero all in all, he’s safe, he’s okay dahil na rin po of course sa mga nagdarasal sa kanya at mga tumulong.”

Samantala, handang-handa nang maghatid muli ng saya at magpatawa si Tekla kasama si Boobay sa fresh episode ng ‘The Boobay and Tekla Show’ ngayong Linggo (Sept. 13) pagkatapos ng ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ sa GMA-7. (Dondon Sermino)

The post 2 buwan sa ospital: Anak ni Tekla ligtas na sa sakit first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *