2 aktres magroromansahan sa ‘Adan’

Tumabo ng halos P6M sa opening day ang pelikulang “Unforgettable” ni Sarah Geronimo ayon sa post sa social media ng Viva Films.

2 aktres magroromansahan sa adan - 2 aktres magroromansahan sa ‘Adan’
adan - 2 aktres magroromansahan sa ‘Adan’

Jun Nardo I Know Better 26 336x224 - 2 aktres magroromansahan sa ‘Adan’Tumabo ng halos P6M sa opening day ang pelikulang “Unforgettable” ni Sarah Geronimo ayon sa post sa social media ng Viva Films.

Of course, happy na ang Viva sa outcome sa resulta ng Sarah movie dahil hindi ito ‘yung usual romance-comedy movie gaya ng mga nakaraang pelikula ng Pop Star Royalty.

Ang “Unforgettable” ay isa sa mga pasabog ng Viva sa last quarter ng taon na sinimulan sa blockbuster na “Jowable”.

Kasunod ng SG film ay ang reunion movie nina Aga Muhlach at Alice Dixson na “Nuuk”. Ito ang capital ng bansang Greenland kung saan kinunan ang halos kabuuan ng pelikula. Sa November 6 ang showing nito mula sa direksyon ni Veronica Velasco.

Isasalang naman sa November 13 ang Indonesian version ng 2017 blockbuster na “Kita Kita”. Ito ay ang “Cinta Itu Buta (Love is Blind)”. Tampok dito ang Indonesian actors na sina Shandy Aulia at komedyanteng si Dodit Mulyanto.

Kakaibang romansahan ang mapapanood sa pelikulang “Adan” dahil dalawang babae ang tampok dito.

Mula ito sa direksyon ni Yam Laranas at bida sina Rhen Escano at Cindy Miranda. Sa November 20 naman ito isasalang.

Magbubukas naman sa Disyembre 4 ang pelikulang “Mananita” mula sa direksyon ni Paul Soriano. Bida rito si Bela Padilla at sinulat ng premyadong si Lav Diaz. Kabilang sa competition ang “Mananita” sa Tokyo International Film Festival 2019.

Para naman sa 2019 Metro Manila Film Festival, inaabangan na ang remake ng makaantig-damdaming Korean version na “Miracle in Cell #7”. Bida sina Aga Muhlach at Bela Padilla sa movie.

KathNiel dadayo sa The Block

All systems go para para sa unang business venture ng reel and real life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, isang barber shop na ang pangalan ay Barbero Blues.

May pasilip si Karla Estrada, mother ni Daniel, sa kanyang Instagram ng barber shop. Saad niya sa caption, sa Sabado, Oktubre 26 ang opening nito at sa SM The Block ang location nito.

Present sa opening sina Kath at DJ para makipag-meet and greet na rin sa mga fan na dadayo sa Sabado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *