2 aktres forever kontrapelo

Hindi lahat ng away ay idinadaan sa sigawan. Hindi rin lahat ng hindi pagkakasundo at pag-ayaw sa isa’t isa ay kailangang alam ng buong bayan at headline ng mga pahayagan.

2 aktres forever kontrapelo - 2 aktres forever kontrapelo
2 aktress - 2 aktres forever kontrapelo

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - 2 aktres forever kontrapeloHindi lahat ng away ay idinadaan sa sigawan. Hindi rin lahat ng hindi pagkakasundo at pag-ayaw sa isa’t isa ay kailangang alam ng buong bayan at headline ng mga pahayagan.

May malalim na away na ­sinasarili lang. Walang sigawan, walang parunggitan, walang kudaan pero may isnaban.

Ang dalawang babaeng personalidad na ito ay tatawagin nating sina Actress A at Actress B. Halos magkaedad lang sila, pareho silang matatawag na diyosa sa kagandahan, pareho silang popular.

Kuwento ng aming source, “Malalim ang pinag-ugatan ng hindi nila pagkagusto sa isa’t isa. Pero dahil tahimik nga lang sila at hindi naman nagpapa-interview kung bakit sila ganyan, mara­ming hindi nakakaalam kung bakit.

“May mga naba­litaan kasi si Actress A na pinagsasa­sabi ni Actress B against her sa mga common friends nila. E, napakaliit lang naman ng mundo ng showbiz, alangan namang hindi lumabas ang mga ganu’ng kuwento!

“May pagkataklesa pa naman si Actress B, maldita ang isang ‘yun, talagang kapag ayaw niya sa tao, siguradong sasabihin niya ‘yun nang diretso!

“Nakarating lahat kay Actress A ang mga pintas sa kanya ni Actress B. Hindi lang siya kumikibo, pero siyempre, galit siya!

“May mga friends nga siya na nagpapayo sa kanya na huwag na lang niyang patulan si Actress B dahil inggit lang sa kanya ‘yun!

“Bakit daw hindi maiinggit sa kanya ‘yung girl, samantalang siya, e, mayhawak na dokumento! Pinakasalan siya ng ama ng mga anak niya, samantalang si Actress B, hanggang ngayon, e, escabeche pa rin!

“Nu’ng minsang magkita sila sa isang gathering, e, talagang iningusan ni Actress A si Actress B na parang nang-iinis pa! Kung nakamamatay lang ang irap, e, siguradong pinagburulan na si Actress B sa talim ng titig sa kanya ni Actress A!

“Hindi na sila magkakasundo, forever na lang silang ganyan na nagdededmahan kapag nagkikita. Ang gaganda pa naman nila!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Julia B. lihim ang pag-iyak sa kontrobersiya

Iwas na iwas sa pagpapa-interview si Julia Barretto. Lihis sa tanong ang kanyang sagot. Kunsabagay, kahit naman siguro sino ang lumugar sa sitwasyon ng young actress ay ganu’n din ang gagawin, dahil sa opinyon at pananaw ng mas nakararami ngayon ay isa siyang kontrabida.

Lahat na yata ng katawagan ay ikinabit na kay Julia, lahat ng terminong ikinakambal sa isang babaeng nang-agaw ng karelasyon ng may karelasyon ay ibinato na sa kanya, kaya bakit pa siya magpapa-interview?
Kapag nagsa­lita siya ay siguradong mabubulabog lang niya ang kuta ng langgam, kakagat-kagatin siya, tulad ng nangyayari sa kanya ngayon sa social media.

Kumaliwa at kumanan si Julia ay hagip pa rin siya ng mga pumupukol sa kanya, kapag gumitna naman siya, siguradong masasagasaan siya, kaya huwag na lang.

Habang nagagalit sa kanya ang mga netizens ay nakikisimpatya naman ang mga ito kina Bea Alonzo at Joshua Garcia, sila ni Gerald Anderson ang kontrabida sa kontrobersiyal na serye.

Hindi namin pinaniniwalaan ang kuwentong okey lang si Julia Barretto, hindi raw siya apektado sa mga nagaganap, kahit singkong duling ay hindi namin bibilhin ang istoryang ‘yun.

Sa sakit ng mga salitang ipinakakain sa kanya ngayon ay siguradong humahagulgol siya, umaaray siya, walang babaeng matapang pagdating sa usapin ng puso at kapag pinepersonal na siya.

Napakabilis pa namang lumuha ni Julia, sa mga seryeng pinagbidahan niya na napanood namin ay ang bilis-bilis niyang umiyak, kaya ang senaryong ito pa ba naman ang hindi magpapahagulgol sa kanya?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *