2 aktor agawan kay Julie Anne

May nag-react sa sinulat namin dito kamakailan lang tungkol sa pagkaka-link nina Julie Anne San Jose at dating miyembro ng Bae at kunsaan, pareho silang naging mainstay before ng Sunday PinaSaya.

The post 2 aktor agawan kay Julie Anne first appeared on Abante.

2 aktor agawan kay julie anne - 2 aktor agawan kay Julie Anne
Julie Anne - 2 aktor agawan kay Julie Anne

Rose Garcia Annyeong 3 1 300x200 - 2 aktor agawan kay Julie AnneMay nag-react sa sinulat namin dito kamakailan lang tungkol sa pagkaka-link nina Julie Anne San Jose at dating miyembro ng Bae at kunsaan, pareho silang naging mainstay before ng Sunday PinaSaya.

Malapit kay Kim ang nagsabi sa amin na wala na raw or hindi na raw nag-prosper kung ano man ang sana ang posibleng nasisimulan na ng dalawa. Bukod sa parang hindi naman daw talaga magwu-work umpisa pa lang, with seven months of pandemic, mukhang hindi rin nila kinaya kahit na sabihin pa sigurong through text o online lang ang komunikasyon nila.

Well, tingin nga rin namin hindi rin talaga magwo-work kung nagtuloy man sa talagang relasyon.

Sa part ni Julie Anne, makikita namang balik trabaho na ito dahil sa pagiging The Clash Master ng season 3 ng The Clash na napapanood sa GMA-7 tuwing Sabado at Linggo ng gabi.

Bukod dito, from a reliable source rin, tila may dalawang taga-showbiz rin daw na nagpapakita ng interes ngayon sa Asia’s Pop Sweetheart.

Viva movie ipalalabas sa iFlix

Nakausap namin ang actress na si Angelu de Leon na nanggaling ilang araw pa lang ang nakalilipas mula sa lock in shooting sa Subic.

Tinapos na niya at iba pang cast ng Viva Films ang movie nila na Babababaero. Nasimulan na nila ito ng January ng taong ito, pero inabot ng pandemic ang filming kaya nag-resume lang sila muli last week.

Bago nag-shooting ay nag-swab test silang lahat at dito nga naranasan ng cast kabilang na sina Dennis Padilla, Janno Gibbs, Andrew E, Jerald Napoles ang lock in shooting.

Ayon kay Angelu, medyo mahirap at nakakapanibago raw talaga. Hinatid lang siya ng driver niya at bumalik na ng Manila. Nagpapasalamat lang siya na napagbigyan yung request niya na solo room. Wala raw sa kanya yung may ka-share sa room, pero nahihiya raw siya kung sakali at may ka-roommate siya dahil sa napakarami niyang dalang gamit.

Wala silang kasamang P.A., make-up artist o road manager. Kaya masasabing first para sa tulad ni Angelu na bata pa lang ay nag-aartista na at siguradong laging may “Angelito” na kasama. Pero ibang experience rin daw sa kanila ang nangyayari ngayon.

‘Yun nga lang, nakalulungkot din daw dahil kahit na lahat naman sila, negatibo sa swab test, strict pa rin daw sa set at hindi katulad dati na puwede silang casual na mag-usap na magkatabi or chikahan pa rin talaga.

Sa ngayon, ang alam ni Angelu, ang Babababaero ay planong ipalabas na ng Viva Films sa iFlix since hindi pa rin naman talaga 100% possible ang pagpapalabas ng mga pelikula sa mga sinehan.

The post 2 aktor agawan kay Julie Anne first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *