15 beses ngumalngal: Iza halos mahimatay sa bakbakan kay Jodi

Inamin ni Iza Calzado na may mga araw na hindi niya kinaya ang taping ng hit serye niyang “Ang Sa Iyo Ay Akin” dahil sa mabibigat na eksena ng kanyang karakter na si Ellice. Halos mahimatay nga raw siya sa mga eksena nila ni Jodi.

The post 15 beses ngumalngal: Iza halos mahimatay sa bakbakan kay Jodi first appeared on Abante.

15 beses ngumalngal iza halos mahimatay sa bakbakan kay jodi - 15 beses ngumalngal: Iza halos mahimatay sa bakbakan kay Jodi
Iza Calzado - 15 beses ngumalngal: Iza halos mahimatay sa bakbakan kay Jodi

Inamin ni Iza Calzado na may mga araw na hindi niya kinaya ang taping ng hit serye niyang “Ang Sa Iyo Ay Akin” dahil sa mabibigat na eksena ng kanyang karakter na si Ellice. Halos mahimatay nga raw siya sa mga eksena nila ni Jodi.

“Jusko, nakakapagod! Ang bigat ng material, lagi kaming may bakbakan. There was a taping two weeks ago na parang more than 15 times ako nag-breakdown nung araw na ‘yun,” chika niya kay Toni Gonzaga sa digital talk show nitong “I Feel U.”

Pero, worth it daw ang lahat ng hirap at pagod na pinagdadaanan niya kasi todo suporta naman ang mga Kapamilya fan.

“Salamat din sa lahat ng nanonood. We feel so deeply blessed talaga na people are watching despite our situation now with the network and everything that has happened. ‘Yung fact na nakapagpatuloy na kami, malaking bagay na diba,” madamdaming ibinahagi ni Iza.

Dagdag pa niya na kahit mas tumitindi ang away nina Ellice at Marissa (Jodi Sta. Maria) sa serye, happy naman siya sa mga kasamahan niya sa trabaho at nagkakaisa sila para mas lalong mapaganda ang kanilang palabas.

“Masaya kasi magaan ‘yung mga katrabaho. Ngayon na mainit ‘yung pagtanggap, mas ginaganahan kami kaya sa mga oras ng pagod, ‘yun talaga ang binabalikan namin.”

I’m sure extra excited silang magtaping ngayon since napapanood na ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa free TV sa pamamagitan ng A2Z channel 11 na bago ang mga episode na ipapalabas simula Oktubre 12. (Dondon Sermino)

The post 15 beses ngumalngal: Iza halos mahimatay sa bakbakan kay Jodi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *