100 Kapamilya 7 oras nagpaligaya ng mga fan

Nagsama-sama ang mahigit 100 Kapamilya at Kumunity stars para magdala ng liwanag at ligaya at mangalap ng donasyon sa “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special Pre-Show” na “KUMUkutitap ang Pasko” sa FYE Channel sa Kumu nitong Linggo (Dec. 20) simula 12 nn hanggang 7:30 pm.

The post 100 Kapamilya 7 oras nagpaligaya ng mga fan first appeared on Abante.

100 kapamilya 7 oras nagpaligaya ng mga fan - 100 Kapamilya 7 oras nagpaligaya ng mga fan
liwanag - 100 Kapamilya 7 oras nagpaligaya ng mga fan

Nagsama-sama ang mahigit 100 Kapamilya at Kumunity stars para magdala ng liwanag at ligaya at mangalap ng donasyon sa “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special Pre-Show” na “KUMUkutitap ang Pasko” sa FYE Channel sa Kumu nitong Linggo (Dec. 20) simula 12 nn hanggang 7:30 pm.

Pitong oras na nagsalo sa mga laro, interview at mga special appearance mula sa pinakamalalaking bituin ng ABS-CBN para maghatid ng masayang selebrasyon at magbigay-pasasalamat at pagmamahal sa mga Kapamilya sa buong mundo.

Simula 12pm ay napanood ang mga “It’s Showtime” bidaman boys sa pangunguna ni Jin Macapagal, mga dating contender ng TNT kasama ang mga champion na sina Janine Berdin at Elaine Duran, TNT Boys, Hashtag Zeus Collins, at Sponge Cola. Naghatid di ng katatawanan sina Nonong Balinan, Jobert Austria, at Alex Calleja kasama ang iba pang mga komedyante.

Pinangunahan naman ni Robi Domingo ang isang “Game KNB?” segment kung saan naglalaro sina Abi Kassem, Diana Mackey, Argel Saycon, Reign Parani, Gian Wang, at Missy Quiño.

At noong 5 pm, bumida naman ang “Pinoy Big Brother” sa pangunguna ng “Pinoy Big Brother: Connect” hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Enchong Dee at Kim Chiu.

Nagkita-kita rin ang mga dating PBB housemate gaya nina Sam Milby, Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, James Reid, John Prats, Ejay Falcon, Beauty Gonzales, Loisa Andalio, Maris Racal, Ylona Garcia.

Noong 7pm ay nagkaroon ng backstage access ang Kumunizens sa live coverage ng Christmas Special—na napanood simula 7:30pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z channel 11, TFC, iWantTFC, at KTX. (Dondon Sermino)

The post 100 Kapamilya 7 oras nagpaligaya ng mga fan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *