1 oras pinaghintay ng prof: Kyline nairita, nakipagsagutan

Nakipagpalitan ng komento si Kyline Alcantara sa mga Twitter follower niya tungkol sa naranasang paghihintay nang mahigit isang oras sa online class.

The post 1 oras pinaghintay ng prof: Kyline nairita, nakipagsagutan first appeared on Abante.

1 oras pinaghintay ng prof kyline nairita nakipagsagutan - 1 oras pinaghintay ng prof: Kyline nairita, nakipagsagutan
Kyline Alcantara 2 - 1 oras pinaghintay ng prof: Kyline nairita, nakipagsagutan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - 1 oras pinaghintay ng prof: Kyline nairita, nakipagsagutanNakipagpalitan ng komento si Kyline Alcantara sa mga Twitter follower niya tungkol sa naranasang paghihintay nang mahigit isang oras sa online class.

“If the teacher is 30mins late na sa class. Can we leave the class na ba? Hmmm.. just wondering.

“An hour and 4 mins and still counting…” tweet ni Kyline.

Chika pa niya, may kaibigan daw siya na sinigawan sa klase ng isang professor.

“I have a friend who told me na her prof yelled at her through private call kasi she left an hour of waiting…tama ba yun?”

Isang follower nito ang nagpasaring kay Kyline na may hinaharap ding aberya ang ibang mga guro.

@deiblohrenrile: “Pag si teacher nagkaproblema sa internet bawal po ba syang mag-excuse?”

Sinagot naman ito ni Kyline at muling ipinaalala ang matagal nilang paghihintay sa kanilang professor.

“You have a point there. But, me and my classmates have been waiting for our prof for an hour and 30 mins now.”

Hirit naman ni @WiseProtectorrr: “just like any other else may personal life din po ang mga prof naten. You know nothing kaya wait lang po…”

Sa sagot ulit ni Kyline, binigyang rason niya ang mga estudyanteng walang internet access sa kanilang bahay.

“I may not know nothing. But a little bit of heads up will absolutely help. Some of the students kasi pumupunta pa sa comp shop para makapag- class and yung iba naka lte lang.”

Tila naging sumbungan si Kyline ng ibang follower ng iba pang hinaing sa online class at sa kanilang mga teacher. Mababasa ito sa mga comment ng mga fan ni Kyline.

Sa huli binigyang solusyon ni Kyline ang problema.

“Anyway, the problem is solved. Message the student councils, and sabi nila considered absent daw ang prof.

“Thank you so much for that conversation my Sunflowers. Mwaaa! Have a nice day,” sey ni Kyline.

***

Ritz Azul nagbilad ng alindog sa Boracay

Balik-TV 5 si Ritz Azul sa ipalalabas na Sunday show sa network, ang “Sunday Kada Kada Sunday”.Ibinalita ito ni Ritz sa Instagram, na kung saan ay may photo siya na nagbibilad sa araw na naka-two piece swimsuit.

“Heto naaaaa!!!! In between takes. Isa sa makakasama nyong barkada sa Sunday Kada Kada Sunday #SoonOnTV5! This October na!!!! @brighlightproductionph @sundaykada.official,” sabi ni Ritz, na sa Boracay nga nag-taping para sa naturang show.

Bukod kay Ritz ang ilan pa sa mga artistang dadalhin ng Brightlight Production sa TV 5 ay sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray, Billy Crawford, Korina Sanchez, Alex Gonzaga, Beauty Gonzales, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ian Veneracion, Donny Pangilinan, Daniel Matsunaga at marami pang iba na puro galing sa ABS-CBN 2.

***

Vicki Belo super giling sa video

Hindi rin nagpahuli si Vicki Belo sa TikTok. Hindi makapaniwala ang mga follower ni Belo sa napanood nilang video nito na nagsasayaw.

Hataw sa mga dance move si Belo at pagiling-giling pa. In fairness, sa edad niya ay malambot pa rin ang katawan niya.

“It’s important not only to look young, but to move young. Dancing helps me stay flexible, coordinated and healthy. It’s great way to do cardio while having fun. In order to do this, I take K-Pop dance lessons from @scarletsnowbelo’s teacher, @skydancravenuemnl,” sabi ni Belo.

The post 1 oras pinaghintay ng prof: Kyline nairita, nakipagsagutan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *